Wednesday, November 25, 2015

Kalyeserye: November 25 #ALDUBApproval

My Own Version for the Continuation

Wedding on Saturday:
Cindy and Alden sa altar
(Alden looks at Cindy while tears are starting to fall). ..

Shift to next scene

At the same time, Yaya Dub and D' Explorer sisters are in the airport:
(hatid nila si Yaya, mag aaral abroad para sa business)
Lola Tidora: Mag-ingat ka sa London ha. Alagaan mo sarili mo dun. . Hindi man kami kasama mo papunta doon ngayon, bibisitahin ka naman namin doon (sabay ayos ng buhok ni Yaya)
Lola Tinidora: Divina, huwag mong aalahanin ‘tong si Ate Nidora, kami na ang bahala dito sa kanya. (hugs yaya)
Lola Nidora (Nangingiyakngiyak): Divina, apo, ang laki mo na. Parang kalian lang, hinahabol- habol pa kita ang likot mo kasi noong bata ka. Alam ko itong napagdesisyonan mong umalis, para ito sa puso mo. Nagmahal ka lang nang lubusan. Naiintindihan ko bakit kailangan mo ‘tong gawin. Pero Apo, sana huwag mong kalimutan na magdasal na sana tulungan ka Niyang makaraos sa sakit na nadarama mo ngayon at sana huwag mo din kalimutan na nandito kaming mga Lola mo. Mag-ingat ka doon. Hindi natatapos ang buhay dito. Pagready kana at nakabangon kana, nandito lang kami naghihintay sa pagbabalik mo, Apo.
Yaya (malungkot): Salamat mga Lola. Hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kung wala kayo, masakit kasi. Kaya ko siyang ipaglaban pero alam ko naman kasi na wala akong laban doon kay Lola Babah, ayokong nahihirapan siya at ayoko siyang pumili samin. Pero sana sa pag-alis kong ito, huwag niya sanang isipin na hindi ko siya mahal. Alam ng Diyos at alam ko sa sarili ko kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. (sabay punas ng luha)..
Lola Tinidora: Apo, alam kong alam niya rin yon. Sige na, pasok ka na. . 
(Divina hugs and kisses the Lolas then went inside the airport)


At the Church:
Priest: Alden, do you take Cindy to be your lawful wedded wife?
Alden (umiiyak): *tingin kay Cindy , sa Priest at kay Lola, umiiling, den tumakbo palabas. . sakay ng kotse papuntang airport*.  .
Lola Babah: (habol kay Alden) Aldrin, Aldrin!
Cindy: (natulala)

Airport Scene:
At waiting area…
Yaya Dub: (tulala, nag-iisip, naluluha. . .)
tumunog ang PA system: (Boarding na daw sila Yaya)
Yaya: *Nakatingin sa baba, nag pause at humingang malalim. Umiling, hinawakan ang passport at boarding pass at tumayo…. dinampot ang shoulder bag tinignan ang boarding gate… yumuko at humingang malalim ulit. .  sinimulan na ang paglakad papuntang gate nang napahinto, may humila ng bag nya. Dahan-dahang humarap at nagulat
Alden (Umiiyak, pulang-pula at tumutulo ang mga luha na nakabarong): Divina… please! (Hindi makasalita ng mabuti) Please Divina, please…
Yaya (gulat pa din pero mangiyakngiyak): Alden (mahina ang boses)… Ba’t ka nandito?
Alden: Alam ko at ramdan ko na hindi totoo yong sinabi mong may mahal kang iba! Ramdam ko… Ramdam na ramdam ko…
Yaya: (Natahimik, yumuko) Hindi naman kasi ganon ka dali (mahina parin ang boses)
Alden: Alam ko, ako lang! Alam ko… Alam ko kung bakit sinabi mo yon… Masakit pero naiintindihan ko… Marami na tayong pinagdaanan, ngayon pa ba tayo susuko? Maalden na maalden kita!
Yaya: (Tumingin sa boarding gate)
Alden: Huwag kang mag iisip na pupunta ka dyan (sabay turo sa boarding gate)
Yaya: Ako kasi ang nahihirapan kahit na ikaw ang pinapipili ng Lola mo, ayokong maging rason kung magkalamat kayo ng lola mo. Oo, maalden kita pero, ayokong naiipit ka.
Alden: Akong bahala sa lola ko, basta please. .huwag kang umalis, huwag mo akong iwan. Hindi ko kayang wala ka. Hindi na ako buo kung aalis ka, alam mo at sinabi ko sayo na ikaw lang ang nagpapakumpleto sa pagkatao ko, kung aalis ka, hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko. Tingnan mo ako ng diretso…
Yaya: (hindi na mapigilan ang mga luha, pero naka yuko parin).. *Umiiling*
PA SYSTEM: Calling the attention of the remaining passenger, please go to the boarding gate now… Ms. Divina Ursula Bokbokova Smash, please proceed to the boarding gate now…
Alden: (tumalikod kay yaya, hindi mapakali, namumula, hindi alam ang gagawin. . . humarap kay Divina at mabilis na lumuhod)
Yaya: Hooy Alden.. ano kaba… Pinapahirapan mo namn ako nyan..
Alden: Please? Huwag mo kong iwan.. (Nagmamakaawa na)
Yaya: Hindi…. Kasi… Alden.. Kasi… Ano…
Alden: (may kinuha sa bulsa) Hindi ako magpo-prose.. (kinuha ang Sing-sing ni Lola) Nakita ko to noong gabi na sinabihan mo akong may mahal kang iba, alam ko sign itong pagkakita ko na hindi totoo ang mga sinabi mo.
Yaya: (gulat na gulat) yong Lola Babah mo kasi..
PA System: Last call for the remaining passenger of flight UL 672535 bound to Heathrow Airport, Ms. Divina Ursula Bokbokova Smash, please proceed to the boarding gate now…
Alden: Ako na bahalang humarap sa kanya, sa ginawa ko kanina sa simbahan, alam na niya na ayoko talaga. (inoffer ang sing-sing kay Divina) Sabi ni Lola Nidora, ibigay ko daw to sa taong gusto kong makasama habambuhay. . . Hindi ako lumuluhod ngayon para hingin ang oo mo para sa kasal… pero hiningi ko ngayon ang permiso mong ligawan kita at kilalanin kang mabuti bago kita aaya-in magpakasal..
Yaya: Oo Alden.. Oo!. .
Alden: Thank you! (Sabay tayo at yakap kay Divina ng mahigpit) Thank you.. Alam ko kasi ikaw ang kukumpleto sa buhay ko.. Thank you!
Yaya: (Nakayakap habang tinatanaw ang boarding gate na magsasara na.) Yong London kasi, gusto kong igrab para sa sarili ko, kina Lola (D’ Explorer sisters) at para sayo. . . kahit at kung ikinisal ka ngayong araw, gusto ko sanang magka restaurant para may masasabi akong pinaghirapan ko to para sa pagmamahal ko sayo Alden.
Alden: (humigpit lalo ang yakap kay Divina) We can always go to London to pursue your dreams. I will always support you kasi alam ko para din sa atin yon.  Maalden kita Divina.
Yaya: Aldub you too Alden..





No comments:

Post a Comment